Taunang Retiro ng mga Kaparian sa Bikariya ni San Pedro
11 October 2021
 
Pinasimulan ngayong araw, Oktubre 11, 2021, ng mga pari mula sa bikariya ni San Pedro ang taunang banal na retiro ng mga kaparian ng Diocesis ng Lucena sa pamamagitan ng isang taimtim na pagdarasal sa harap ng Panginoong Hesus na nasa Santisimo Sakramento sa parokya ng Katedral ni San Fernando.

Ang nasabing retiro ay ginaganap ngayon sa kanya-kanyang bikariya dahil sa kasalukuyang banta ng pandemya. Mayroon lamang isang araw na itinakda upang magsama-sama sa pagdiriwang ng Banal na Misa ang mga pari ng bawat distrito kasama ang mahal na Obispo Mel Rey bilang punong-tagapagdiwang.

 
   
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN