Pagtatapos ng taunang retiro ng mga Kaparian sa Distrito ni San Juan
15 October 2021
 
Oktubre 15, matagumpay na ginanap ang huling araw ng Retiro ng mga pari sa Parokya at Katedral ni San Fernando, Lucena City. Bilang pasasalamat sa Diyos, idinaos ang Banal na Misa na pinangunahan ng Lub. Kgg. Mel Rey M. Uy, D. D., Obispo ng Lucena, kasama ang mga pari mula sa distrito ni San Juan. Isinunod dito ang oras ng Obispo (Bishop's hour) na kung saan ipinahayag ni Bp. Mel Rey ang kanyang malugod na pasasalamat at pagbati sa lahat ng mga pari dahil sa matagumpay na pagsasagawa ng taunang retiro na bagamat nasa ilalim pa rin ng pandemya, maayos at naging makahulugan at mabiyaya ang gawaing ito.

 
   
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN