 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Epal' ni Msgr. Noel |
| 17 October 2021 |
| |
|
Epal
"To be unknown is to be unloved." Ani Henri Nouwen, ito ang isa sa maling paniniwala ng mga tao sa ating panahon. Diumano, ang pagiging popular sa lipunan ang palatandaan na marami ang nagmamahal. Dahil dito, lahat ay nagkukumahog na maging sikat at kilala. Para sa kanila, ito ang sukatan ng pagtanggap at pagmamahal ng lipunan. Umuso tuloy ang salitang 'epal' na ang kahulugan ay mahilig pumapel, pabida at suki ng tarpaulin ang mukha.
'Broadcast yourself,' sabi ng isang social media application. Sa ganitong kaisipan, tila ang kadakilaan ng tao at halaga ng kanyang ginagawa ay nakabatay lang sa popularidad at pagtanggap ng publiko.
Taliwas ito sa pamantayan ng ebanghelyo. Ang pagkilos ng Diyos ay laging nagaganap nang lihim at nalalambungan ng hiwaga. Ang kanyang ganap na pagpapahayag ay nakakubli sa kababaang loob ng sabsaban at sa paghihirap sa kalbaryo.
Sino ang pinakadakila? Sabi ni Hesus, ang itinuturing na walang halaga at di kinikilala ng mundo, subalit tahimik na nagtatrabaho para sa kapakanan ng kapwa, ang pinakadakila sa kaharian ng Diyos. "Ang sinumang nais maging dakila ay dapat maging huli sa lahat at lingkod ng lahat."
*Ikadalawampu’t siyam na Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|