 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Listo' ni Msgr. Noel |
| 19 October 2021 |
| |
|
Listo
Inilalarawan ng mga pantas ang tao bilang "homo viator" (journeying man). Ang buhay ay isang paglalakbay. Minsan lang tayo daraan sa buhay na ito. Walang panahon ang dapat sayangin.
May panawagan tayong mabuhay para matupad ang layunin ng ating pag-iral. Nais ng Diyos na maging 'best version' tayo ng niloob niya sa pagkalikha sa atin.
Ang mensahe ni Hesus sa ebanghelyo: Magbantay. Maging laging 'listo. Tiyak na darating ang wakas - sa oras na di natin inaasahan. "Don't decrease the goal, increase the effort."
"Sindihan ang inyong mga ilawan... tumulad kayo sa mga taong naghihintay sa pagdating ng kanilang Panginoon." Ang ilawan ay sagisag ng pananampalataya. Ang gatong na nagpapaningas dito ay ang ating mabubuting gawa.
*Martes sa Ikadalawampu't Siyam na Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|