 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Oras' ni Msgr. Noel |
| 27 March 2020 |
| |
|
May dalawang pagkaunawa ang tao tungkol sa oras. Sa mga relihiyong oryental, ang oras ay umiikot lang. Maaring hulaan ang iyong kapalaran - gaya ng sa horoscope - dahil nauulit ang panahon. Kapag nakumpleto na ang isang siklo, babalik na ito sa pinagmulan.
Subalit sa Biblia, ang oras ay hindi paikót, kundi pasulong. Ang oras ay may tinutungo. Ang panahon ay sumusukdol sa kaganapan.
Sa ebanghelyo, ang 'oras' ni Hesus ay ang oras ng kaluwalhatian. Nakatakda. Niloob ng Diyos na sa isang yugto ng panahon maganap ang pag-aalay Niya ng buhay sa Krus. Sa kanyang kamatayan naganap ang oras ng pagluluwalhati.
Bawat oras ay sandali ng biyaya. Huwag nating ipagpapabukas ang paggawa ng mabuti. Sa ating pag-aalay, Diyos ang niluluwalhati. May divine appointment tayo sa Diyos... sa bawat araw, sa bawat oras.
*Biyernes sa Ikaapat na Linggo ng Kuwaresma |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|