Sa Isang Salita: 'Tabak' ni Msgr. Noel
21 October 2021
 
Isang mapanganib na pasya ang maging tagasunod ni Kristo. Simula pa noon hanggang ngayon, inuusig at pinapatay ang mga Kristiyano dahil sa pananampalataya. Sa kasaysayan, hindi iilan ang nagbuwis ng buhay para sa kanilang paninindigan. Dahil hindi umaayon sa kalakaran ng mundo, ang kanilang buhay ay matinding saksi laban sa katiwalian sa lipunan.

Sa ating panahon, nararanasan natin ang lantarang pagbaluktot sa katwiran at katotohahan. Inuusig ang mga taong matuwid samantalang napapaboran ang mga naghahasik ng kasamaan at kasinungalingan.

Ani Hesus sa ebanghelyo: "Naparito ako upang magdala ng tabak, hindi kapayapaan..." Ang paglalaban ng Diyos at ni Satanas ay hindi lang isang ispiritwal na tunggalian. Konkreto itong nagaganap sa kasaysayan.

Kailangan nating piliin ang panig ng kabutihan. Kapag ang kamalian ay naging sistema sa lipunan, nabubuo ito bilang istruktura ng kasalanan. Ang pakikihamok para sa kabutihan ay tungkulin ng mga anak ng Liwanag.

"The ultimate measure of a man is not where he stands in moments of comfort and convenience, but where he stands at times of challenge and controversy" (Martin Luther King).

*Huwebes sa Ikadalawampu't Siyam na Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN