 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Inutil' ni Msgr. Noel |
| 23 October 2021 |
| |
|
Kinatatakutan natin ang maging inutil. Sa pamantayan ng mundo, ang mga taong walang silbi ay walang halaga.
Subalit iba ang pananaw ng Diyos. Sa kanya, lahat ay may kakayahang mamunga. Lahat ay may pagkakataong magpanibago.
Ito ang aral mula sa talinghaga ng punong igos. Nang makita ng tagapag-alaga na tatlong taon na itong walang bunga, nais na niya itong putulin. Subalit iba ang saloobin ng may-ari: may pag-asa pa. Nais niyang bigyan ito ng pagkakataon.
Ganito ang pananaw ng Diyos. Sa kanya, hindi mahalaga ang nakaraan; ang mahalaga ay ang malaking posibilidad sa hinaharap. Sabi nga, "every sinner is a potential saint."
Ang mabungang buhay ay di lang nakabatay sa magagawa ng tao, kundi sa maaaring magawa ng Diyos sa ating buhay.
*Sabado sa Ikadalawampu't Siyam na Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|