 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Pagkabulag' ni Msgr. Noel |
| 24 October 2021 |
| |
|
Sa kabila ng pahayag ni Hesus na kailangang magbatá ng hirap ang Mesias, nanatiling bulag ang mga alagad sa kapalarang dapat nilang yakapin: ang tahakin ang daan ng krus. Binulag sila ng paghahangad sa kadakilaan. Patunay lamang na kulang pa ang kanilang pananalig.
Sa kabilang dako, ang bulag na si Bartimeo ang 'nakakita' kay Hesus. Sa kabila ng kanyang kapansanan, ipinagkatiwala niya sa Kanya ang kanyang kapalaran. Nanalig siya sa kapangyarihan ni Hesus.
Ayon sa isang may-akda, "the deep blindness all humans face is spiritual." Ang pinakamalalim na ugat ng mga suliranin sa lipunan ngayon ay pagkabulag sa mga bagay na dapat pahalagahan. Madali nating makita ang kinang ng salapi at kapangyarihan, subalit nabubulag tayo sa halaga ng kabanalan, katarungan at pagmamahal.
Nawa'y maging dasal natin ang pagsamo ni Bartimeo kay Hesus: "Guro, ibig ko po sanang makakita... at noon di’y nakakita siya, at sumunod kay Hesus."
*Ikatatlumpong Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|