 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Dangal' ni Msgr. Noel |
| 25 October 2021 |
| |
|
Use things, love people. Ang layunin ng batas ay ipagtanggol ang dangal ng tao. Nagiging mapang-api ang batas kapag "ginamit" ang tao, at "minahal" ang bagay.
Sa aklat ng Genesis, sa aktong iaalay ni Abraham ang kanyang anak na si Isaac bilang "pagsunod" sa utos ng Diyos para subukin ang kanyang kasunuran, nagkaroon ng 'twist' ang istorya. Sa huli ay sinabi ng Diyos kay Abraham, "huwag mong pagbuhatan ng kamay ang iyong anak!" Sa wakas ay ipinakita ang pamamayani ng buhay kaysa 'pagsunod' sa 'batas.'
Sa ebanghelyo, sinadya ni Hesus magpagaling sa araw ng Sabat, kahit na ito ay 'labag' sa batas ng mga Judio. Sa kanyang 'paglabag' sa batas ng Sabat, pinanumbalik niya ang tunay na diwa ng batas. Pinalaya niya ito upang maging instrumento ng pagtatanggol ang buhay at dangal ng tao.
Ani Marcus Borg, "Jesus wasn't talking about how to be good within the framework of a domination system. He was a critic of the domination system itself."
Tuklasin ang mapagpalayang layunin ng batas. Hindi tayo mga bulag na tagasunod. "Blind obedience is harmful to conscience formation." Ginawa ang batas upang lumago tayo sa ating pagkatao ayon sa layunin ng Lumikha.
*Lunes sa Ikatatlumpong Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|