 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Pinto' ni Msgr. Noel |
| 27 October 2021 |
| |
|
Pinto
Hindi maalwan ang daan tungo sa magandang buhay. Maraming bagay ang dapat isuko para kamtin ang tagumpay.
Sa buhay, ang daan ay kasing halaga ng dulo ng paglalakbay. Mahalaga ang makatwirang paghinto at wastong liko. Kailangang piliin ang tamang daan: "Do what is right, not what is easy."
Ito ang pamantayan ng ebanghelyo: "Pagsikapan ninyong pumasok sa makipot na pintuan." Ang ngalang Kristiyano ay hindi parang pasaporte sa langit. Kailangan itong isabuhay at pangatawanan.
Ang pagiging Kristiyano ay hindi lamang isang regalo; ito rin ay isang habambuhay na proseso. Kailangan nating tahakin ang makipot na daan tungo sa kaligtasan.
*Miyerkules sa Ikatatlumpong Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|