Sa Isang Salita: 'Saksi' ni Msgr. Noel
28 October 2021
 
Ang mga apostol ay may di mapapalitang papel sa pag-iral ng Simbahan. Sila ang tanging tulay na nag-uugnay sa atin sa buhay at ministeryo ni Hesus. Sa katunayan, isa sa marka ng tunay na Simbahan ay ang pagiging 'apostoliko.' Ibig sabihin, ang simbahang itinatag ni Hesus ay nakasandig sa pagsaksi ng mga apostol.

Ayon kay R. Latourelle, may tatlong katangian ang mga apostol: sila ay hinirang ni Hesus; sila ay naging saksi ng kanyang buhay; at inatasang mangaral ng ebanghelyo.

Hindi man natin nakita nang mukhaan si Hesus tulad ng mga apostol, tayo naman ay hinirang din, sa bisa ng binyag, upang magpahayag. Sa harap ng lipunang nakakalimot sa Diyos, dapat umalingawngaw sa ating buhay ang diwa at pagpapahalaga ng ebanghelyo. Ani Papa San Juan Pablo, "The best form of proclamation is the witness of our life."

*Oktubre 28, Kapistahan ni San Judas Tadeo

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN