Mahal Na Maria: Salamin ng Hapis at Kabanalan
01 October 2021
 
By Emanwel & R

Pinagpala ang ilaw na nagsilang ng liwanag.
Tinawag upang maging Ina ng lahat.
Sa ‘yong pagsambit ng “Oo,” nasilayan ang liwanag.
Tinanggap ang responsibilidad at matapang na hinarap.

Tunay ka ngang pinagpala sa babaeng lahat.
Babaeng pinagpala, kahanga-hanga ang iyong ginawa.
Sa iyong buong tapang, Tagapagligtas namin ay ‘yong niluwal.
At sa kanyang pagsilang ay umawit, mga anghel dito sa mundo.

Ikaw ay pinagkaloob sa amin upang maging Ina na namin.
Kung babalikan ang nakaraan, ang iyong huling pagtulog sa mundo, mga Apostol ay nasa paligid mo.
Ikaw ay inakyat ng Diyos, katawan at kaluluwa sa langit at kalangitan ay nagbunyi.
Mapagmahal at mapagkalingang mga mata mo, sa amin ay nakabaling.

Mahal na Ina, mahal naming Ina. Kami nawa ay iyong tulungan at gabayan.
Tulad ng paggabay mo kay Kristo no’ng musmos pa lamang.
At pagtulong kay Kristo nang inako niya ang aming kasalanan.
Gawin mo kaming banal tulad ng puso mong walang bahid ng kasalanan.

Panalangin namin ay iyong dinggin at ipamagitan. Upang kami ay Kanyang pagpalain,
At ang hiling namin ay makamtin, pagkakawala namin ay kanyang patawarin.
Mga kasalanan namin ay tuluyang alisin. Kahinaan namin ay iyong alisin.
Kahinaan namin ay iyong tanggalin at palitan ng kalakasang kailangan namin.

Bigyang liwanag ang aming madaraanan at gabayan kami sa landas ng kapayapaan.
Ikaw ang siyang magiging mata para makita ang katotohanan.
Ikaw ang magiging paa para marating ang kinabukasan.
Mahal na Ina, Mahal naming Ina Kami nawa ay iyong tulungan at gabayan.

 
   
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN