|
|
|
KAPISTAHAN NG MAHAL NA BIRHENG DOLOROSA, SA GITNA NG PANDEMYA.
|
|
|
|
KAPISTAHAN NG MAHAL NA BIRHENG DOLOROSA, SA GITNA NG PANDEMYA. - Leonard Andrew c. ebro
Sa kasagsagan ng pandemyang ating kinakaharap dulot ng COVID19, matagumpay nating muling naipagdiwang ang Kapistahan ng Mahal na Birheng Dolorosa dito sa ating bayan ng Dolores. Kaalinsabay ng selebrasyon ay ang mga restrictions at minimum health protocols na ipinatutupad ng ating local IATF at ng LGU. Sa ginanap nating Misa Nobenaryo alay sa Mahal na Ina, mula sa pasimula hanggang sa huling araw ay muli nating binuksan ang ating pintuan at nakapiling ang mga minamahal nating mga Peregrino na nagmula sa iba’t-ibang parokya na nasasakupan ng ating Diocesis. Gayundin para mga bisitang pari mula sa ating Diocesis na siyang nagsipanguna sa mga pagninilay hinggil sa mga sakit ng Mahal na Birheng Dolorosa at sa mga Banal na pagdiriwang sa mga natatanging araw. Sa araw ng kapistahan ay nagkaroon ng limang banal na misa na dinaluhan ng iba’t ibang mga debotong sabik nasabik na muling masilayan ang Mahal na Ina. Pinangunahan ni Lub. Kgg Obispo Mel Rey M. Uy, DD ang Misa Konselebrada na kung saan ay kanyang binigyang diin na ang pakiki-isa natin sa mga sakit at dalamhati ni Maria ang siyang nagbibigay sa atin ng ugnayan sa kanyang anak na si Hesus. Ang pagda-dalamhati natin kasama ni Maria sa mga sakripisyo ng kanyang anak na nakabayubay sa Krus ay nagdadala sa atin sa kabanalan.
Matapos ang nasabing misa ay muling inilabas ang Imahe ng Mahal na Birhen para sa taunang Turumba. Ngunit dahil sa Pandemya, ang turumba ay isinigawa sa pamamagitan ng isang motorcade. Nailabas ang Mahal na Birhen sa ganap na ika-11:20 ng umaga na umikot sa buong bayan ng Dolores. Ang lahat ay matiyagang nagsipag-antay at nakatutok sa FB LIVE streaming ng Parokya para sa REALTIME location ng Motorcade. Mga munting altar sa labas ng bahay, bulaklak, palakpak, masasayang sigaw na “Sa BIRHEN,VIVA DOLOROSA!” ang sumalubong sa Mahal na Ina, tanda ng kanilang pag-aliw sa nasasakit na Birhen. Nakabalik ang Mahal na Ina sa Parokya sa ganap na ika-4:30 ng hapon. Mas mabilis kaysa sa nakaraang motorcade. Ito ay dahil sa pagtalima at pagsunod sa hiling ng parokya na huwag nang mag-convoy para sa ikakaluwag ng Daloy ng Motorcade.
Sa ngalan ng ating Lingkod Pari, Rev. Msgr .Eugenio Antonio Viray kasama ang ating katuwang na Lingkod Pari, Rev. Fr. Oliver Lacorte at ng lahat ng mga pangulo ng mga konseho, samahang banal at komitiba ng Parokya at Pambansang Dambana ng Mahal na Birheng Dolorosa, pinapahayon namin ang aming taos pusong pasasalamat sa inyong lahat nang naki-isa, tumalima, nag-taguyod at sumuporta sa ating Kapistahan alay sa Mahal na Birheng Dolorosa. VIVA DOLOROSA!
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|