 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Takot' ni Msgr. Noel |
| 02 November 2021 |
| |
|
Likas sa tao ang matakot sa kamatayan. Subalit may higit pa sa kamatayan na dapat katakutan: ang mabuhay nang walang katuturan.
Sabi ni Rosa Parks, isang civil rights advocate: "Without vision, the people will perish, and without courage and inspiration, dreams will die.” (Rosa Parks)
Ganito ang pananaw ng mga taong namatay na bayani at martir. Inialay nila ang buhay para kanilang paninindigan. Higit pa sa buhay ang kanilang nakamtan.
Sawimpalad ang mga taong ipinagpapalit ang prinsipyo at dangal sa salapi at yaman. Habang sila'y nabubuhay sa kasaganaan, namamatay naman ang kanilang espiritu sa kasakiman.
"Death is not the greatest loss in life. The greatest loss is what dies inside us while we live." (N. Cousins)
*Nobyembre 2, Pag-aalaala sa mga Yumao |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|