 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Kulang' ni Msgr. Noel |
| 04 November 2021 |
| |
|
May isang sikat na OPM song na ganito ang isinasaad: "Kulang ako kung wala ka... di ako mabubuo kung nag-iisa." Totoo nga naman. Ang paglisan ng isang minamahal ay malaking kawalan. Nag-iiwan ng guwang sa puso ang pagkawala ng mahal sa buhay.
Ganito ang pagsasalarawan ng ebanghelyo sa ating mapagmahal na Ama. Tulad ng pastol, 'iniiwan nito ang siyamnapu't siyam upang hanapin ang nawawala." Sa Kanya, bawat isa ay mahalaga at may natatanging lugar sa kanyang puso.
Kapag ang isang tupa ay naligaw, pati ang siyamnapu't siyam ay "nawawala" sapagkat kakulangan ang isa sa kabuuhan ng Kanyang buong kawan.
Sa kasaysayan ng pagliligtas mula sa aklat ng Genesis, ipinapahayag na ang Diyos ang unang naghahanap sa tao. Bago pa tayo matutong magmahal, Diyos ang unang nagmahal sa atin.
Ang misyon ni Hesus ay hanapin ang mga nawawala. Hayaan nating matagpuan Niya tayo.
*Huwebes sa Ikatatlumpu't isang Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|