Sa Isang Salita: 'Barya' ni Msgr. Noel
07 November 2021
 
Madaling magbigay ng mga bagay na labis sa ating pag-aari. Para lang barya. Halos wala na itong halaga sa mga 'ma-pera.'

Subalit ang baryang 'patapon' lang sa mayayaman ay kayamanan na ng mga mahihirap. Ganito ka-espesyal ang handog ng babaeng balo sa ebanghelyo. "Ibinigay niya ang buo niyang ikabubuhay." Kahit salat sa bagay, mayaman naman siya sa kagandahang loob.

Sa pagbibigay, ang tinitingnan ng Diyos ay hindi ang laman ng ating bulsa kundi ang laman ng ating puso. Sabi ni Mark Batterson, "kung pinagkalooban ka ng Diyos ng maraming pagpapala, huwag mong itaas ang pamantayan ng iyong pamumuhay. Ang itaas mo ay ang pamantayan ng iyong pagbibigay."

"Generosity is what keeps the things we own from owning us."

*Ikatatlumpu't dalawang Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN