Sa Isang Salita: 'Kapatid' ni Msgr. Noel
08 November 2021
 
Matapos paslangin ni Cain si Abel, tinanong ng Diyos si Cain, “Nasaan ang kapatid mong si Abel?” Sumagot siya, “Hindi ko alam. Bakit, ako ba'y tagapag-alaga ng aking kapatid?” (Gen 4:9)

Kapag hindi na natin kinilala ang bigkis na nag-uugnay sa atin sa iisang pinagmulan, nawawala rin ang diwa ng paglingap at pananagutan.

Sa ebanghelyo, ipinahayag ni Hesus na tayo ay "tagapag-alaga ng ating mga kapatid." Tungkulin nating punahin at ituwid ang pagkakamali ng iba, at patawarin kung sila'y nagkakasala.

Lahat ay karamay sa kapahamakan at pagkakasala ng isa, sapagkat tayo ay kabilang sa iisang katawan, ang Simbahan. Si Kristo ang ating 'kuya' at tayo'y magkakapatid sa iisang Ama.

'If one part suffers, all the parts suffer with it; if one part is honoured, all the parts share its joy' (1 Cor 12:26)."

*Lunes sa Ikatatlumpu't dalawang Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN