 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Utang' ni Msgr. Noel |
| 10 November 2021 |
| |
|
May isang uri ng utang na madaling malimutan pero mahirap bayaran - ito ay ang utang na loob. Ang bilis nga naman nating makalimot sa mga taong nakagawa sa atin ng mabuti.
Sa sampung ketongin na pinagaling ni Hesus, isa lang ang bumalik para magpasalamat - ang Samaritano na isang 'outsider.' May kasabihan sa wikang Ingles na, "to think is to thank." Ang pasasalamat ay bumubukal sa puso ng taong marunong mag-isip, magnilay at mag-alaala. Sa bilis ng takbo ng oras at sa dami ng ating gawain, nawawalan na tayo ng panahon para mag-isip. Hindi na tayo nakakaalaalang magpasalamat.
Ang salitang 'gratitude' ay hango sa Latin, 'gratis,' na ang ibig sabihin ay kaloob, 'undeserved gift,' isang biyayang hindi inakala. Ang totoo, hindi natin kayang bayaran ang pagpapala. Sa halip, tayo ay "tumatanaw" ng utang na loob sa Diyos pamamagitan ng pagbabahagi sa kapwa.
Wala tayong maituturing na sariling pag-aari. Lahat ay nagmula sa Diyos. To give thanks is not to "pay back," but to "pay forward."
Ang taong nagpapasalamat ay marunong magbahagi ng biyayang tinanggap sa nangangailangan. Hindi hadlang ang kasalatan para magmagandang-loob sa kapwa. Bakit? Sapagkat ang Diyos ang unang nagmagandang loob sa atin.
*Miyerkules sa Ikatatlumpu't dalawang Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|