Sa Isang Salita: 'Tahanan' ni Msgr. Noel
11 November 2021
 
Hindi lahat ng bahay ay tahanan. Ang bahay ay yari sa bato at bakal, pero ang tahanan ay nabubuo sa katapatan at pagmamahal. Puso, at hindi lugar, ang tahanan ng pag-ibig.

Sa ganito rin maihahalintulad ang Paghahari ng Diyos: "hindi masasabing ‘Narito o naroon,’" sapagkat "ito nga ay sumasaatin na!" Hindi lugar ang nasasakupan ng Kaharian ng Diyos kundi ang mga taong nananalig sa kanya. Kung mayroon mang 'pook' na saklaw ng kanyang paghahari, ito ay ang ating mga puso.

"Faith is not the clinging to a shrine but an endless pilgrimage of the heart." (A. J. Heschel)

Akuin natin ang kahilingang ito sa dasal na 'Ama Namin:' Nawa'y tunay na maghari ang Diyos sa ating gitna.

*Huwebes sa Ikatatlumpu't dalawang Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN