 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Inmaculada Concepcion' ni Msgr. Noel |
| 09 December 2021 |
| |
|
Sa bisa ng Konstitusyon Apostoliko, “INEFFABILIS DEUS”, na inilimbag noong Ika-8 ng Disyembre 1854, ipinahayag ni Papa Pio IX bilang dogma ng Simbahan "na ang Mahal na Birheng Maria, sa simula pa lamang nang paglilihi sa kanya, sa isang natatanging biyaya ng Diyos, at sa pamamagitan ng mga merito ni Kristo, Tagapagligtas ng sangkatauhan, ay naligtas sa anumang bahid ng kasalanang orihinal."
Paliwanag: - si Maria ay ipinaglihi ng kanyang ina na si Sta. Ana na walang kasalanang mana (Inmaculada Concepcion);
[Ang 'Inmaculada Concepcion' ay hindi tumutukoy sa paglilihi ni Maria sa kanyang anak na si Hesus (na ang angkop na tawag ay "virginal conception.")]
- ito ay natatanging biyaya ng Diyos sa Mahal na Birhen;
- tinanggap ni Maria ang grasyang ito bilang paghahanda sa kanyang natatanging lugar sa kasaysayan ng pagliligtas bilang Ina ng Diyos;
- si Maria ay iniligtas sa bisa ng sakripisyo ng kanyang Anak na si Hesus
- ang pagliligtas na ito ay naganap sa natatanging paraan, na tinatawag na "preservative redemption" (preredemptio).
?? "O Maria Ipinaglihing walang kasalanan, ipanalangin mo kaming dumudulog sa iyo."
*Kapistahan ng Inmaculada Concepcion |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|