 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Magalak' ni Msgr. Noel |
| 12 December 2021 |
| |
|
Malapit na ang Pasko. Sinindihan na ang ikatlong kandilang kulay rosas ng Advent Wreath. Ito ang hudyat ng pagdiriwang ng "Gaudete Sunday" o Linggo ng Kagalakan.
Sa ebanghelyo ay ipinakita ang mga tanda ng pagdating ng Mesias. Dahilan ito upang maghari ang galak sa ating mga puso. Ito ang mga tanda ng pagdating ng Diyos sa ating piling.
Ito rin ang paraan para danasin ang kagalakan na hinahangad ng ating puso: joy in giving.
Ayon sa isang social psychologist (William McDougall), may dalawang uri ng kaligayahan: a) sensation-based o panandaliang aliw dahil nakabatay sa pakiramdam, b) value-based o pangmatagalang galak, dahil nakaugat sa pagpapahalagang ispiritwal at moral. Nais ba nating danasin ang tunay na kagalakan, hindi lang sa darating na pasko, kundi sa araw-araw? 1. Sa pagbababagi ng saya, tayo ang unang nagiging masaya. "Giving love is the first step in receiving it." Kapag nagawa nating isuko ang mga bagay na gusto natin (want) para sa iba, makakamit naman natin ang mga bagay na kailangan natin (need). 2. Linawin ang layunin natin sa buhay. Magkaroon ng malinaw na tunguhin ang mga gawain sa araw araw. Ani Victor Frankl, sa kanyang aklat na "Man's Search for Meaning," many of man's sickness stem from the loss of the sense of purpose. Maraming balakid sa tunay na kagalakan ang pagkawala ng kahulugan at layunin ng ating pag-iral. 3. Ugaliing maging mabait at mapagbigay. "Practice kindness and acts of self-giving." Kapag ginamit natin ang ating mga kaloob (time, treasure, talent, temple, testimony) para maglingkod sa kapwa, ang mga ito ay lalago at higit na malilinang. Samantala, kapag ang pinabayaan natin ang mga kaloob at tayo ay nabuhay para sa sarili lamang, ito ay kusang mawawala at maaksaya.
Let us be joyful in giving. Let us find Christ in sharing each other's gifts.
*Ikatlong Linggo ng Adbiyento Gaudete Sunday |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|