 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Pakikisangkot' ni Msgr. Noel |
| 21 December 2021 |
| |
|
“We cannot live in the Church, and not be involved in the world.” Hindi tayo maaaring mabuhay sa Simbahan at hindi nakikisangkot sa lipunan.
Ang pagdalaw ni Maria sa kanyang pinsang si Elisabet ay huwaran ng Kristiyanong may pakialam sa kabutihan ng kapwa. Ito rin ay modelo ng Simbahang nagmimisyon.
Wika ni Papa Francisco sa kanyang apostolic exhortation “Evangelii Gaudium” (The Joy of the Gospel): “I prefer a Church which is bruised, hurting and dirty because it has been out on the streets, rather than a Church which is unhealthy from being confined and from clinging to its own security.”
Malaki ang pananagutan ng bawat Kristiyano sa pagpapanibago ng lipunan. Hinihimok tayo na magmasid sa ating kapaligiran, magnilay sa liwanag ng Ebanghelyo at kumilos upang maging mabisang sangkap sa inaasam nating pagbabago. Nakasalalay sa pasya ng ating kasalukuyang henerasyon kung may dadakuhin pang malinis at luntiang bukas ang mga darating pang henerasyon. Ang pagkilos ngayon ay isang hamon upang mapigil ang napipintong pagkawasak ng nag-iisa nating tahanan. Disyembre 21, Simbang Gabi |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|