 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Regalo' ni Msgr. Noel |
| 23 December 2021 |
| |
|
Ang lahat sa ating buhay ay kaloob. Ang mabuhay - at magtamasa ng mga bagay sa daigdig - ay sa Diyos lahat nagmula.
Ang pagsilang ni Juan Bautista ay kaganapan at patunay ng pagka-mapagbigay ng Diyos. Si Juan ay kaloob ng Diyos - hindi lang sa kanyang mga magulang, kundi sa buong sambayanan ng Israel. Sa iba’t ibang paraan, ang Diyos ay patuloy na nagpapala sa tao. Paano natin ginagamit ang mga kaloob ng Diyos?
Sa istorya ng Paglikha sa aklat ng Genesis, ibinigay ng Diyos sa tao ang daigdig upang linangin at pagyamanin. Sa paliwanag ni Papa Francisco, hindi ito nangangahulugan na tao lamang ang sukatan ng kabutihan ng bawat bagay. Hindi wasto ang kaisipang ang isang nilikha ay may halaga lamang kung ito ay may silbi sa tao. Sabi ng Papa, ito ang nagiging sanhi ng pagsasamantala at pag-aabuso ng tao sa likas na yaman ng daigdig.
Sa kabalintunaan, ang bawat nilikhang bagay ay nagtataglay ng partikulat na kabutihan at kaganapan. Ang kanila mismong pag-iral ay nagbibigay-luwalhati sa Diyos. Bawat isa ay sumasalamin sa karunungan at kabutihan ng Diyos.
Samakatuwid, dapat nating igalang ang sangnilikha at ang mga batas nito. Bilang pasasalamat sa Lumikha, iwasan natin ang maling paggamit at pagsira sa kanyang mga nilikha. (LS 69) |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|