 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Ambag' ni Msgr. Noel |
| 04 January 2022 |
| |
|
Malimit kaysa hindi, ang 'dole-out' ay hindi nakakatulong sa pinagbibigyan. Kung minsan, nauuwi ito sa kultura ng panghihingi. Nakakawala rin ito ng tiwala sa sarili at sinisikil ang kakayahang linangin ang sariling kakayahan.
Hindi ganito ang pamamaraan ni Hesus. Sa ilang istorya ng himala, laging may bahaging inaasahan sa tao. Hindi nagaganap ang himala nang mula sa wala. Laging may 'ambag' ang tao para mangyari ang milagro.
Sa pagpaparami ng tinapay, nagsimula si Hesus sa kung ano ang maaaring maibahagi ng mga tagasunod niya: limang tinapay at dalawang isda. Kinikilala ng Diyos ang anumang likas na taglay natin upang doon magsimulang kumilos ang kanyang pagbibiyaya.
Isinatinig ni Lao Tzu ang tunay na kahulugan ng misyon: "Go to the people. Live with them. Learn from them. Love them. Start with what they know. Build with what they have. But with the best leaders, when the work is done, the task accomplished, the people will say 'We have done this ourselves."
*Martes pagkatapos ng Epipaniya |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|