Sa Isang Salita: 'Moral' ni Msgr. Noel
19 January 2022
 
Walang dapat maging hadlang para ipagpaliban ang paggawa ng mabuti sa kapwa. Ito ang pangunahing layunin ng batas. Ginawa ang batas para paglingkuran ang tao at iangat ang kanyang dangal.

Sa ebanghelyo, ipinaalaala ni Hesus na ang layunin ng Sabat ay ang magligtas ng buhay. Tao ang una bago ang batas. Nawawala ang obligasyong moral na sumunod sa batas na di makatarungan.

Madaling magtago sa likod ng batas para makaiwas sa pananagutan sa lipunan. May mga tao sa ating panahon na ginagamit ang 'legalidad' para manlamang sa kapwa at sirain ang kalikasan. Subalit hindi sila makatatakas sa kahatulan ng sariling budhi na nagsasabing, "hindi lahat ng legal ay makatarungan."

*Miyerkules sa Ikalawang Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN