Sa Isang Salita: 'Pinili' ni Msgr. Noel
21 January 2022
 
Ang pagtatangi ng Diyos sa iilan ay hindi nangangahulugan ng paghihiwalay sa marami. Ang Kanyang pagpili ay paraan para magpala sa lahat. Sa kasaysayan ng pagliligtas, pinili ng Diyos ang bayang Israel upang maging daluyan ng pagpapala sa mga bansa.

Nang tawagin ni Hesus ang Labindalawa, hindi Niya layuning ipinid ang pinto ng langit sa mga di-tinawag. Simula ito ng katuparan ng pangarap ng Diyos na yakapin ang lahat sa iisang sambayanan ng mga nananalig.

Kapag nararanasan natin na tayo ay itinatangi ng Diyos, hindi lang ito para sa sarili. Nais niyang maging bahagi tayo ng misyon ni Hesus sa mundo. Kung sa pakiramdam natin na tayo ay "blest ni Lord" sa maraming paraan, tungkulin nating ibahagi ang mga pagpapala sa mga nangangailangan.

Sa ating lipunang sadlak sa kahirapan at sistema ng katiwalian, tinatawag tayong maghatid ng kabutihan at liwanag.

"There is always light if only we're brave enough to see it. If only we're brave enough to be it." - Amanda Gorman

*Biyernes sa Ikalawang Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN