Sa Isang Salita: 'Propeta' ni Msgr. Noel
30 January 2022
 
"When times are tough, the prophet speaks."
Walang gustong makinig sa mensahe ng propeta. Nag-iiwan ito ng hamon sa budhi ng lipunan. Isinisiwalat ang baligtad na pagpapahalaga ng mundo.
Subalit walang dapat maging hadlang para ipahayag ang katotohanan sa makapangyarihan. A prophet speaks truth to power. Ani Martin Luther King, Jr.: "To ignore evil is to become an accomplice to it."
Lumilipas at maglalaho ang mga kaharian. Subalit mananatili ang katotohanan. Ito ang ipinahayag ng mga propeta kahit na sila ay mamatay.
Ipinapaalaala ng ebanghelyo ang isa sa pangunahing tungkulin natin bilang mga Kristiyano. Ipangaral natin ang ebanghelyo "napapanahon man o hindi" (2 Tim. 4:2). Kaisa tayo sa maka-propetang gawain ni Kristo.
"Stand up for what is right even if it means standing alone." - S. Kassem

*Ikaapat na Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN