 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Di Matuto' ni Msgr. Noel |
| 15 February 2022 |
| |
|
Ilang ulit na nating naranasan ang kabutihan ng Diyos? Gaano karami ang pagpapalang ating tinanggap? Laganap sa santinakpan ang tanda ng kanyang pagmamahal. Hindi natin ito kayang bilangin.
Subalit ang bilis din nating makalimot. Sa harap ng pagsubok, madali tayong mag-alinlangan. Sa isang iglap, napapawi ang lahat sa ating alaala.
Ganito ang karanasan ni Hesus sa kanyang mga alagad. Ani Hesus sa kanila: "Mapurol ba ang inyong pag-iisip...? Hindi pa ba ninyo nauunawaan?" Sa kabila ng mga himalang nasaksihan, agad silang nakalimot nang sila ay magutom!
Sa isang nananalig, hindi lamang isip, kundi puso, ang may kakayahang matuto at umunawa. Ang nawawaglit sa ating isip, ay nananatili sa alaala ng puso. Ang ating paghuhubog bilang alagad ay trabaho ng puso.
*Martes sa Ikaanim na Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|