 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Kilala' ni Msgr. Noel |
| 17 February 2022 |
| |
|
Sa isang nananalig, hindi sapat ang "may alam." Kailangan ding "may pakialam." Sa tuwing ipinapahayag natin ang "Sumasampalataya," isinasangkot natin ang ating buhay sa simulain ng ebanghelyo ni Kristo.
Hindi sapat na naipahayag ni Pedro na si Hesus ang Mesias. Kailangan din niyang sundin ang daan ng Krus na Kanyang tatahakin.
Ang pagkilala kay Kristo ay hindi nagwawakas sa Lingguhang ritwal at mga seremonyas. Ang ating daigdig ang "lugar" ng ating pakikihamok upang paghariin ang mga pagpapahalaga ni Kristo. Hindi pa natin totoong 'kilala' si Hesus kung wala tayong pakialam sa nagaganap sa ating lipunan. Hindi natin 'kilala' si Hesus kung mananatiling nakapinid ang ating pandinig "sa panaghoy ng mga dukha at ng kalikasan."
*Huwebes sa Ikaanim na Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|