Sa Isang Salita: 'Kulang' ni Msgr. Noel
21 February 2022
 
Matinding kalaban ang demonyo. Ramdam natin ang mapaniil na presensya nito sa laganap na karahasan, inhustisya at pagbaluktot sa katotohanan. Winawasak nito ang ating mga pagpapahalagang maka-Diyos at sinisira ang moralidad ng lipunan.

Higit sa kalikasan nating mga tao ang pwersa ng kasamaan. Wala tayong magagawa kung kulang sa panalangin. Kailangan natin ang lakas ng Diyos para magtagumpay laban sa kapangyarihan ng karimlan.

Sa ebanghelyo, hindi nagtagumpay ang mga alagad na palayasin ang demonyo sa inaalihan nito dahil sa kakulangan ng pananalig. Higit nilang pinanghawakan ang sariling lakas kaysa kapangyarihan ng Diyos.

Mapanlinlang ang demonyo. Ginagamit nito ang istruktura ng lipunan upang umiral ang bulok na sistema na kumakampi sa kasamaan at umuusig sa katwiran.

Subalit higit na makapangyarihan ang Diyos. Sa taimtim at sama-samang pananalangin, magtatagumpay ang liwanag.

*Lunes sa Ikapitong Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN