 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Apostol' ni Msgr. Noel |
| 22 February 2022 |
| |
|
Tuwing Semana Santa lamang natin nabibigyang-pansin ang mga apostol: sa ritu ng paghuhugas ng paa at sa prusisyon. Pero ang totoo, ang mga apostol ay may di mapapalitang papel sa pag-iral ng Simbahan.
Ang mga apostol ang tanging tulay na nag-uugnay sa atin sa buhay at ministeryo ni Hesus. Sa katunayan, isa sa marka ng tunay na Simbahan ay ang pagiging 'apostoliko.' Ibig sabihin, ang simbahang itinatag ni Hesus ay nakasandig sa pagsaksi ng mga apostol.
Hindi man natin nakita nang mukhaan si Hesus tulad ng mga apostol, tayo naman ay hinirang din, sa bisa ng binyag, upang magpahayag. Sa harap ng lipunang nakakalimot sa Diyos, dapat umalingawngaw sa ating buhay ang diwa at pagpapahalaga ng ebanghelyo. Ani Papa San Juan Pablo, "The best form of proclamation is the witness of our life."
*Kapistahan ng Luklukan ni San Pedro |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|