 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Bisyo' ni Msgr. Noel |
| 24 February 2022 |
| |
|
Anumang bagay na ginagawa natin nang paulit-ulit ay nagiging tayo. "We become what we do," sabi ng isang psychologist. Masama o mabuti, ang ginagawa natin nang palagian ay nagiging gawi. Ang masamang gawi ay nauuwi sa bisyo.
Mahirap kumalas sa kinamihasnang bisyo. Bahagi na ito ng sistema ng pamumuhay ng isang tao. Kailangan ang radikal na pagtalikod sa lumang sarili upang magwakas ang pagkaalipin sa gawing masama.
"Putulin mo!" ang hamon ng ebanghelyo. Ang mga bisyo ay para na ring bahagi o pangalawang natura ng ating sarili. Mahirap itong iwan kung wala tayong loob at determinasyon na iwaksi nang tuluyan sa ating buhay.
Ang pag-angat sa layaw ng mundo at pagsupil sa sariling layaw ay mahalaga upang mawala ang mga balakid sa daan ng pagsunod kay Kristo.
*Huwebes sa Ikapitong Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|