 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Katiwala' ni Msgr. Noel |
| 18 March 2022 |
| |
|
Who are we? Whose are we? (Sino tayo? Sinong nagmamay-ari sa atin?)
Tayo'y mga katiwala lamang. Diyos ang may-ari sa atin. Isang ilusyon ng tao na akuing kanya ang hindi niya pag-aari. Malimit, ganito umasta ang tao. Walang pakundangan sa mga biyaya na ipinahiram lang sa kanya Maykapal. Kung minsan pa nga, mas matapang pa sa may-ari yaong mga pinagkatiwalaan lamang.
Sa ebanghelyo, ipinakita sa talinghaga kung paano naghari-harian at namayagpag ang mga katiwala. Inabuso at sinaktan ang mga sugo, at pati ang anak ng may-ari ng ubasan ay pinaslang at pinatay.
"To him much has been given, much will be required." Ang pinagkatiwalaan ng malaki - kapangyarihan man o yaman - ay malaki rin ang pananagutan sa nagkaloob nito.
"We do not bequeath the world's wealth to our children; we borrow it from them." Nakapangingilabot kung paano abusin at gastahin ng ating henerasyon ang likas na yaman ng mundo. Sa harap ng mga banta ng climate change, parang "business as usual" at walang pagbabago ng puso ang mga namumuhunan at mga nasa kapangyarihan.
Mismong ang Santo Papa ang nagpaalaala sa atin: "hindi dapat isakripisyo ang kalikasan kapalit ng tutubuing salapi na kalimitan ay iilan lamang ang nakikinabang" (Laudato Si, 190).
Ngayong panahon ng Kuwaresma, muli nating tuklasin kung "Sino tayo" at kung "Kanino tayo." Tayo'y mga katiwala. Diyos ang may-ari sa atin.
*Biyernes sa Ikalawang Linggo ng Kuwaresma |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|