 |
| |
| |
| Sa Isang Salita:'Marupok' ni Msgr. Noel |
| 20 March 2022 |
| |
|
Ang ating pag-iral ay marupok. Anumang oras, maaari tayong mawala sa daigdig na ito. Ang mga trahedyang dumarating sa buhay ng tao - gawa man ito ng tao o ng kalikasan - ay nagpapaalaala ng katotohanang ito: "life is fragile." Walang katiyakan. Maaring maganap sa atin ang dinanas ng mga biktima ng lindol, bagyo, digmaan, o krisis sa tubig at pagkain.
Sa ebanghelyo, ginamit ni Kristo ang masamang pangyayari noon para gisingin ang budhi ng mga tao upang magbago. "Life's tragedy is God's entry point into our life." Sa pagkaunawa ng ating karupukan, napapagtanto natin ang panawagan para magpakabuti... at magbunga. Ayon kay San Pablo, "kung kelan tayo mahina, doon naman tayo malakas."
Tulad ng puno ng igos, inaasahan ni Kristo na maging mabunga ang ating buhay sa lahat ng oras - sa mabuti man o masamang panahon.
Ngayong panahon ng Kuwaresma, ipinapaalaa sa atin: + Life is fragile, handle it with care... + Be the perfect version of what God wants you to be... + Be fruitful.
*Ikatlong Linggo ng Kuwaresma |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|