 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Balik-loob' ni Msgr. Noel |
| 27 March 2022 |
| |
|
"Naabot na ng tao ang 'outer space,' subalit hindi ang 'inner space.'" Ang pinakamahabang paglalakbay ng tao ay ang paglalakbay tungo sa kanyang puso - kung saan makakatagpo ang Diyos.
Sa Talinghaga ng Alibughang Anak, inilarawan ang kasalanan sa pamamagitan ng 'paglayo' sa bahay ng Ama. Sagisag ito ng pamumuhay sa 'labas' - sa pagpapakasasa sa huwad na ligayang dulot ng mundo.
Ang pag-uwi ng alibughang anak sa bahay ng Ama ay isang tunay na 'pagbabalik-loob.' Natauhan siya nang napagtanto at maisa-'loob' niyang "mabuti pa sa bahay ng aking Ama..."
Ani Sto. Tomas, ang pagbabalik-loob ay paglayo sa bagay at paglapit sa Diyos.
Ngayong Kuwaresma, tahakin natin ang daan ng pagbabalik-loob: itakwil ang mga panlabas at panadaliang aliw ng daigdig at tagpuin ang mapagpatawad na Ama sa kaibuturan ng ating mga puso.
*Ikaapat na Linggo ng Kuwaresma (Laetare Sunday) |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|