Sa Isang Salita: 'Manindigan' ni Msgr. Noel
02 April 2022
 
Walang Kristiyano ang 'sala sa init o sala sa lamig.' Walang lugar sa mga disipulo ang pagiging 'maligamgam.' Sabi ni Hesus sa Aklat ng Apocalipsis: "if you are neither hot nor cold, I will vomit you out."

Ang pagiging Kristiyano ay isang pagpili, isang pasya at opsyon sa buhay. Hindi pwedeng mamangka sa dalawang ilog, o maglingkod sa dalawang panginoon ang tagasunod ni Hesus. Dapat siyang manindigan: yakapin ang liwanag at talikdan ang dilim. Mamuhay sa katotohanan o malugmok sa kasinungalinan.

Ipinakita ng ebanghelyo na si Hesus ay "tanda ng pagkakabaha-bahagi." Ang pagkakahati ay bunga lamang ng radikal na pasya na sundan si Kristo at itakwil ang lahat ng salungat sa diwa ng kanyang ebanghelyo.

Ang pagpanig sa katwiran at katotohanan ang tanging 'credential' ng ating Simbahan upang manatili itong makabuluhan sa ating panahon.

"Our lives begin to end the day we become silent about things that matter." - Martin Luther King

*Sabado sa Ikaapat na Linggo ng Kuwaresma

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN