 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Ilaw' ni Msgr. Noel |
| 04 April 2022 |
| |
|
Mahirap mabulag ang mata, pero mas mahirap ang mabuhay sa karimlan. “If there is no light, there is no sight." Kahit anong linaw ng ating mata, kapag walang liwanag, wala tayong makikita. Samakatuwid, kapwa mahalaga ang mata at ilaw.
Mahirap masanay sa dilim. Bakit? Dahil masisilaw ka na sa liwanag sapagkat namihasa kang manatili sa kadiliman.
Sa ebanghelyo, sinabi ni Hesus: "Ako ang ilaw.. at ang sinumang sumusunod sa akin ay di na lalakad sa kadiliman."
Nakakatakot ang nagaganap sa ating lipunan. Tila maraming tao ang nagbulag-bulagan at mas pinipiling mamuhay sa kasinungalingan at katiwalian. Ito ay isang uri ng kasalanang istruktural. Sa loob nito, ang masama ay nagiging mabuti at ang mabuti ay nagiging masama. Ang matino ay pinarurusahan at ang bastos ay pinapalakpakan.
Kapag namihasa tayo sa karimlang ito, makaya pa kaya nating tumingin sa liwanag?
*Lunes sa Ikalimang Linggo ng Kuwaresma |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|