 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Imortal' ni Msgr. Noel |
| 07 April 2022 |
| |
|
"Lahat ng hawakan ng ating mga kamay ay dagliang napaparam, subalit ang pahawakan natin sa kamay ng Diyos ay mananatili kaylanman." Lahat ng umiiral sa oras ay may wakas. Kahit ang pinakasikat at pinakamakapangyarihan sa ngayon ay lilipas sa pagdaan ng panahon.
Ilusyon ng pagiging imortal ang ibinibigay ng salapi at kayamanan. Akala nila, may 'forever' ang pamamayagpag sa kapangyarihan.
Laging nasa huli ang pagsisisi.
Kailangan ng taong manalig. Walang kapangyarihan sa lupa ang puwedeng magligtas sa tao mula sa pagpanaw. Sa pananalig, kumakapit tayo sa Diyos. Nanghahawakan tayo sa kanyang Salita.
Sinabi ni Hesus, sa ebanghelyo ni San Juan: "Ang namumuhay ayon sa aking mga aral ay di makakaranas ng kamatayan."
Ito ang kapalaran nating mga binyagan. "In faith and baptism, we have opted for God; we have opted for Life." Panindigan natin ito.
*Huwebes sa Ikalimang Linggo ng Kuwaresma |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|