Sa Isang Salita: 'Dilim' ni Msgr. Noel
12 April 2022
 
Mahirap mamuhay sa dilim. Pero mas mahirap masanay sa dilim. Ang mga matang namihasa na sa dilim ay humihina ang kakayahang tumunghay sa liwanag.

Matapos umalis si Judas Iscariote upang ipagkanulo si Hesus, dagling binanggit ng sumulat ng ebanghelyo: "Gabi na noon..." Hindi lang dilim ng gabi ang tinutukoy nito kundi dilim ng puso. Sa kadiliman, naganap ang malagim na pagtataksil.

Sa ebanghelyo ni San Juan, mahalagang simbolo ang dilim at liwanag. Ang taong lulong sa kasalanan ay mas gustong manatili sa dilim. Ayaw niyang malantad sa liwanag ang kanyang masamang gawa. Madaling itago sa kadiliman ang tiwaling gawa.

Ganito ang kasalanang panlipunan. Nagdudulot ito ng pagkabulag sa kasamaang nagaganap sa paligid. Nagiging kasangkapan tayo sa pananatili ng dilim sa ating pananahimik at pagsasawalang-kibo.

"The world is a dangerous place, not because of those who do evil, but because of those who look on and do nothing." (Albert Einstein)

*Martes Santo ng Semana Santa

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN