Sa Isang Salita: 'Wakas' ni Msgr. Noel
16 April 2022
 
Batas ng kalikasan na kailangang may mamatay para ang iba ay mabuhay. Batas ng kasaysayan na may magbuwis ng buhay para ang bayan ay magising at ipaglaban ang kalayaan. Batas ng ating pagkatao na pumanaw sa lumang sarili upang makabangon bilang bagong nilalang.

"Namatay ang Diyos sa katauhang kanyang inako...," ayon sa isang lumang homiliya ng Sabado Santo. Ang KANYANG kamatayan ang naging 'kamatayan' ng ATING kamatayan. His death has put an end to our death.

Nagwakas ang sumpang sa kamatayan ang ating wakas. Binuksan ng kamatayan ni Hesus ang langit para sa tao. Tulad ng pinto, ang kamatayan ang daan natin tungo sa buhay.

Ang buhay ng Kristiyano ay isang patuloy na pagsasanay na "mamatay" para kamtin ang buhay: mamatay sa pagkamakasarili at kasakiman; mamatay sa pagsasawalang-kibo at karuwagan; mamatay sa bisyo upang magbagong buhay.

Anong mga bahagi pa ng buhay sa ating lipunan ang kailangang mamatay upang tayo ay makabangon sa pagkabusabos at kahirapan?

.
*Sabado Santo ng Triduo Pascual

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN