 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Trabaho' ni Msgr. Noel |
| 09 May 2022 |
| |
|
Sabi ni P. Dionisio Miranda, may tatlong antas ng pagtingin sa ating trabaho: 1) hanapbuhay (job) - ang pangunahing layunin ng paggawa ay para makatanggap ng sahod; 2) gawain (profession) - sa pagsunod sa tawag ng tungkulin, umuunlad tayo sa ating buhay-propesyonal,l; 3) tawag (vocation) - higit pa sa sahod at sa tawag ng tungkulin, ang trabaho ay isang ekspresyon ng mapagmahal na paglilingkod sa kapwa.
Isang magandang huwaran ang iniwan ni Hesus bilang Mabuting Pastol. Aniya, "iniaalay ko ang aking buhay para sa mga tupa."
Anumang uri ng trabaho ay isang bokasyon. Tinatawag tayo na maglingkod hindi lamang dahil sa sahod o sa pansariling pag-unlad, kundi upang itaguyod ang kabutihan ng madla. Paalaala ni Hesus: "Ang upahan ay tumatakas, kapag nakikitang dumarating ang asong-gubat... Tumatakas siya palibhasa’y upahan lamang at walang malasakit sa mga tupa."
Ngayong panahon ng krisis sanhi ng pandemic, kailangan nating maging pastol sa isa't isa, handang dumamay at lumingap. Nawa'y ang krisis na ito ay maging sandali ng paglago sa ating pagkatao sa pamamagitan ng paglilingkod, at hindi oportunidad na magsamantala sa paghihirap ng kapwa. Amen.
*Lunes sa Ikaapat na Linggo ng Pagkabuhay |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|