 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Tatsulok' ni Msgr. Noel |
| 19 May 2022 |
| |
|
Tatsulok daw ang 'hugis' ng tunay na pag-ibig. Ano nga ba ang triangle of love? Upang mabuo ang ugnayan ng pag-ibig, kailangang may umiibig, may iniibig at may pag-ibig.
Hindi kumpleto ang magsing-ibig kung wala ang espiritu ng pag-ibig. At dahil ang Diyos ay pag-ibig, Siya ang bigkis na nagbubuklod sa mga nagmamahalan. "Love is not about "you and me," it is about "us and God."
Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Kung paanong iniibig ako ng Ama, gayun din naman, iniibig ko kayo; manatili kayo sa aking pag-ibig."
Pag-ibig ang katiyakan ng pananatili ng Diyos sa ating gitna. "The more we get close to one another, the more God gets close to us." Habang nananatili tayong nagmamahal sa isa't isa, nananatili din ang Diyos sa ating gitna.
Hangga't may mamumuhay sa kasalatan at kahirapan sa ating lipunan, hindi lubos ang ating pananatili sa pag-ibig. Hindi rin lubos ang pananahan ng Diyos sa ating gitna.
"The presence of the poor in a community which calls itself Christian is the 'presence' of an absent God."
*Huwebes sa Ikalimang Linggo ng Pagkabuhay |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|