 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Noroon Siya' ni Msgr. Noel |
| 22 May 2022 |
| |
|
Isa sa mga sinaunang awit sa wikang Latin ay nagpapahayag ng ganito: “Ubi caritas et amor, Deus ibi est.” Ang kahulugan nito ay "kung nasaan ang pag-ibig at pagmamahal, doon ang Diyos nananahan."
Puno ng lengguahe ng pag-ibig ang ebanghelyo. Bago lumisan si Hesus, tiniyak niyang kahit Siya umakyat sa langit, mananatili siya sa ating gitna. “Ang umiibig sa akin ay tutupad ng aking salita; iibigin siya ng aking Ama, at kami’y sasakanya at mananahan sa kanya."
Kung sinasabi nating ang Diyos ay nananahan sa kung saan naroon ang pagmamahal, sa kabalintunaan, maaari nating sabihing, "where there is no love, there is no God.” Ang Diyos ay hindi nakikila ng isang taong hindi nagmamahal sapagkat ang Diyos ay pag-ibig.
Hindi ang Diyos mananahan kung saan ang mga tao ay walang pakialam sa kapwa. Walang pagmamahal kung hahayaan nating malugmok sa kahirapan ang marami sa kabila ng nag-uumapaw na kayamanan ng iilan.
Sabi ni Papa Francisco: "In a world where there is so much wealth, so many resources to feed everyone, it is unfathomable that there are so many hungry children, that there are so many children without an education, so many poor persons.”
"Ang presensya ng mga dukha sa lipunang tinatawag ang sarili na 'Kristiyano' ay presensya sa ating gitna ng nagtatagong Diyos."
Pagsikapan nating lumabas sa sirkulo ng ating kinamihasnang mundo upang pasukin ang daigdig ng karalitaan. Kung saan may pag-ibig at pagdamay, matatagpuan natin ang Diyos.
*Ikaanim na Linggo ng Pagkabuhay |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|