 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Judgmental' ni Msgr. Noel |
| 20 June 2022 |
| |
|
'Bawal ang judgmental,' ang pamagat ng segment sa isang noontime show. Bagamat isa lamang itong laro ng pahulaan, may isang aral itong iniiwan: hindi porma o ganda ng itsura ang maaaring pagbasehan ng mga kalahok sa pagkilatis sa tunay na katatayuan sa buhay ng iba.
Sa ebanghelyo, ang tagubilin ni Hesus, "huwag kayong humatol, upang di kayo mahatulan... ang panukat na ginamit ninyo sa iba, ay siya ring panukat na gagamitin sa inyo." Ang nakikita ng tao ay panlabas na anyo. Tanging Diyos lamang ang nakatatalos ng nilalaman ng ating puso.
Hindi natin alam ang iba’t ibang hirap at pagsubok ang pinagdadaanan ng ating kapwa. Bawat isa ay may kanya-kayang isyu at problema. Kaya dapat maging mahinahon tayo sa pagpuna sa pagkukulang ng iba. Wala sa atin ang karapatang humusga.
Mainam na ating taglayin ang pananaw ng Diyos sa pakikitungo sa ating kapwa. Ang dapat nating gamitin ay ang panukat ng habag at pang-unawa.
*Lunes sa Ikalabing dalawang Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|