 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Makipot' ni Msgr. Noel |
| 21 June 2022 |
| |
|
Mahirap pumasok sa pinto ng langit, wika ng isang manunulat. Tayo lang ang kasya: ang ating dangal, ang ating pagkatao. Tamang sukat lang, hindi kasama ang mga bagahe at pag-aari.
Sa ebanghelyo, sinabi ni Hesus: "pagsikapan ninyong pumasok sa makipot na pintuan... malawak ang daan tungo sa kapahamakan."
Ang pagpapakabuti ay isang desisyon. Kapag pinili natin ang daan ng katwiran, nililimitahan na natin ang ating pagsasalita at pagkilos. Lahat ng ito ay dapat maayon sa ating naunang pasya na piliin ang tama at mabuti.
Hindi ito hadlang para maging malaya. Kapag ang isang lalaki ay nagpakasal, lahat ng kanyang pasya ay limitado na ng kanyang piniling buhay. Sabi ng marami, "nakatali na" at "hindi na malaya." Ang totoo, higit siyang malaya na mahalin ang kanyang kabiyak.
Sa pagpili natin sa makipot na daan ng pagpapaka-Kristiyano, higit na malaya ang ating puso para sa Diyos.
*Martes sa Ikalabing dalawang Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|