 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Paghahanap' ni Msgr. Noel |
| 24 June 2022 |
| |
|
Hindi pwedeng magpahinga ang puso. Ikamamatay nito kapag tumigil ito sa pagkilos. Patuloy ito sa paghahanap. Magpapahinga lang ito kapag natagpuan na ang 'true love.' Ganito ang paghahangad natin sa Diyos. "Our hearts are restless until they rest in God", who is Love.
Pero bago pa tayo magmahal, ang Diyos ang unang nagmahal. Bago pa tayo maghanap sa kanya, siya ang unang naghanap sa atin. Isinugo Niya ang kanyang Anak upang hanapin ang mga nawawala. Sa puso ni Hesus, nahayag ang awa at habag ng Diyos.
Sa ebanghelyo ay inilarawan ang puso ni Hesus sa halimbawa ng isang pastol. Handang nitong iwan ang siyamnapu't siyam para hanapin ang isang nawawala.
Wagas na pag-ibig. Handang iwan ang lahat para sa minamahal. Ganito si Hesus sa atin. Sana'y matularan natin ang kanyang puso sa pagkilos tungo sa lugar ng mga nawawala, nakakaligtaan at napapabayaan.
*Hunyo 24, 2022, Kapistahan ng Mahal na Puso ni Hesus |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|