 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Mangarap Ka' ni Msgr. Noel |
| 26 June 2022 |
| |
|
Ang pinakamahirap na tao sa buong mundo ay hindi ang taong walang pera kundi yaong walang pangarap. "If you don't have a dream - a goal and a purpose in life - you're never going to become what you could become." (J.C. Maxwell)
Walang kulang sa bigay ng Diyos. Lahat ay sapat lang. Kung may kulang man, ito ay ang kawalan natin ng pagsisikap at tapang na sumubok at mangahas. We must not allow ourselves to be defined by our inward-looking mindset and lack of parrhesia (courage) to be what we are called to be.
May tagubilin si Hesus sa ating pagsunod sa kanya: * focus on your goal ("kapag nag-aararo, huwag palaging lumilingon"); * act with urgency and without delay; * never let your past define your present ("ipaubaya mo sa mga patay ang paglilibing sa kanilang mga patay").
Hindi bukambibig ng taong pangarap ang mga salitang, "nakakainip, walang magawa." Kung may pagkukusa, tutuklasin niya sa mapanlikhang paraan ang mga posibilidad para mapaunlad ang sarili nang higit kaysa dati.
Ang kaaway ng paglago o pag-unlad ay katamaran. "The human spirit perishes in mediocrity." Subalit nilikha tayo para magwagi. Huwag nating hayaang matalo tayo nang walang anumang ginawa.
Malaki ang pinuhunan ng Diyos sa bawat isa. Hindi pwede ang 'pwede na.' Laging may magagawa pa.
*Ikalabing tatlong Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|