Sa Isang Salita: 'Bangka' ni Msgr. Noel
28 June 2022
 
Inihahalintulad ang Simbahan sa bangka ni Pedro. Sinasabukay ito ng malalakas na alon at daluyong sa bawat yugto ng paglalakbay sa dagat ng kasaysayan.

Subalit hindi kaylanman mananaig ang takot at pangamba dahil nangako si Hesus ng kanyang presensya. Daig ng kapangyarihan ng Diyos ang lakas ng anumang bagyo o unos.

Ayon sa mga linyang ito mula sa awit ng 'The Dawn:' "Ating liliparin/ may harang mang sibat/ ating tatawirin daluyong ng dagat/
pagkat kasama mo ako/ iisang bangka tayo."

Ang Simbahan ay naglalakbay sa iisang landas tungo sa Paghahari ng Diyos. Kaya nating harapin ang panganib at mga pagsubok. Hangga't nagkakaisa tayo sa iisang pananalig, mananatili ang presensya ng Panginoon sa ating gitna, lalo sa panahon ng ligalig.

*Martes sa Ikalabing-tatlong Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN