Sa Isang Salita: 'Bulag' ni Msgr. Noel
05 July 2022
 
Mahirap maging alipin ng maling paniniwala. Nawawala sa katwiran. Nagiging bulag sa katotohanan. Kahit mali ay pinapanigan.

Ang mga pariseo ay kinikilalang eksperto sa batas at kabanalan. Subalit naging biktima sila ng sarili nilang kaalaman. Naging makitid ang kanilang pananaw. Ayaw nilang kumilala sa pagkilos ng kabutihan sa labas ng kanilang relihiyon.

Nang magpagaling si Hesus ng isang inaalihan ng demonyo, ayaw nilang kilanling ito'y gawa ng Diyos. Mas umiral sa kanila ang kapalaluan. Naging sarado ang kanilang puso sa biyaya ng pagbabago.

May pagkakataon na nagiging bilanggo tayo ng maling paniniwala. Makitid ang pag-iisip, bulag sa sariling kamalian.

Ang salitang Griego sa 'pagbabalik-loob' ay 'metanoia,' na ang literal na kahulugan ay 'pagbabago ng isip.' Kailangan natin ito upang makalaya sa lumang sarili. Kapag nabago ang ating isip, mababago ang ating asal; magbabago ang ating buhay.

Ani Albert Einstein, "the significant problems we face cannot be solved on the same level of thinking we were at when we first created them."

*Martes sa Ikalabing-apat na Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN