Sa Isang Salita: 'Radikal' ni Msgr. Noel
07 July 2022
 
Ang pinakamahirap na tao sa mundo ay yaong ang tanging yaman ay ang kanyang pera at poder. Marami ang nahuhumaling na mag-angkin ng mga bagay sapagkat hungkag ang kanilang puso.

Noong 1996, ipinahayag ng Kapulungan ng mga Obispo ng Asya: "what Asians need today is not a man of having but a man of being. One cannot be a man of prayer if he is a man of acquisition."

Radikal ang panawagan ng ebanghelyo. Sa pangangaral, kailangan ang pagsaksi sa diwa ng karukhaan. Sa ebanghelyo, itinagubilin ni Hesus, "huwag kayong magdala ng salapi, maging ginto, pilak o tanso sa inyong lukbutan..." Ang diwa ng karalitaan ay mabisang paalaala na lahat tayo ay mahirap sa harap ng Diyos. Ang pag-angat sa mga bagay na materyal ay isang tanda na sa Diyos, at hindi sa yaman ng mundo, tayo umaasa.

Anang mga teologo mula sa Simbahan ng Latin America: "for the Church to be real, it must be in poverty." Dapat nakababad sa realidad ng lipunan ang Simbahan upang ito ay maging kapani-paniwala.

"A church that is poor is a church that is rich in mercy" (Jon Sobrino).

*Huwebes sa Ikalabing-apat na Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN